Friday, December 25, 2009

Repleksyon: May Natutunan ba Kami sa Paglalakwatsang ito??

Marahil ang paglalakbay para sa mga libro ay isang malaking hamon sa amin sapagkat mas mataas na lebel ng pagpapanayam ang aming kinakailangan para rito. Gayunpaman, matapos ang mayamang paglalakwatsang ito para sa mga libro, kami ay nakaramdam ng paghanga sa Pilipinas sapagkat marami palang mayayamang koleksyon ng mga artifacts ang ating bansa kung saan hindi lamang natin nakikita at napapansin. Aming napag-alaman na mayaman rin pala ang kultura ng ating bansa sapagkat sa laki ng aming nakitang koleksyon ng mga artifacts (kung saan sa kasamaang palad ay hindi naming nakuhanan ng larawan dahil sa restriksyong ipinatupad ng pamunuan ng establisyimento), napagyaman ang aming tingin sa kultura ng Pilipinas. Natatangi at hindi matatawaran ang mga lumang kantang nakatago sa establisyimentong ito at dito namin nakita na ang kultura ng Pilipinas ay karapat-dapat na ipagmalaki sa buong mundo sapagkat dito makikita na iba mag-alaga at magpayaman ng kultura ang bansa. Amin ring napag-alaman na nararapat na alagaan at suportahan ng hindi lang ng gobyerno kundi maging ng mga Pilipino ang pagpapalaganap at pagpapayaman sa kulturang ito sapagkat ito ang nagsisilbing kayamanan ng bansa na maaaring maipagmalaki sa buong mundo.


Sa aming buhay estudyante, hindi naming gaano napapansin ang sistema ng mga silid aklatan sa Pilipinas., Ang alam lang namin ay ang maghanap ng libro, gumamit ng iba’t ibang resources at minsan pa nga, sa aming pananaliksik ay nakakalimutan naming ang pagpapahalaga sa mga libro at kaldalasan, hindi naming ito isinasauli sa lugar na pinagkuhanan nito. Ngunit dahil sa aming paglalalkbay upang pagmasdan ang sitwasyon ng mga aklatan sa ating bansa, kami ay naliwanagan na ang libro ay dapat na alagaan sapagkat bukod sa ang mga ito ay naglalalman ng mayayamang impormasyon, ito rin ang magsisilibing kayaman ng bansa sapagkat ditto makikita ang lawak ng kultura na mayroon ang mga Pilipino. Sa pamamagityan din ng lakbay-aral na ito, aming nadiskubre na hindi lamang mga libro ang kinakailangang pagpayamanin at alagaan sa isang akaltan kundi pati mga larawan, mg journal at pati mga audio-tapes din.


Sa naabot ng aming kaalaman tungkol sa mga silid-aklatan, dito lang naming napag-alaman na ang pagpapanatili pala ng isang silod-aklatan ay isang napahkahirap na bagay sapagkat hindi lamang ang pagpepreserba sa mga libro at mga aretifacts ang isinasaayos kundi pati ang pagpapaayos ng lugar na magiging kapaki-kapakinabang sa mga mambababasa. Kinakilangan din pala ng masusing pagkokolekta ng mga librong aangkop sa masa. At higit sa lahat, kinakailangan ding maging presentable ang mga librong ito sa mga mambabababsa. Ito marahil ang dapat bigyan ng pondo ng gobyerno sapagkat ditto nakasalalay ang kultura ng bansa.


Dahil sa modernong panahon ngayon, naisasantabi ang pagbababasa ng mga aklat dahil sa pagiging laganap ng internet. Sa paglalakbay na ito, nabuksan an gaming mga isip hinggil sa kahalagahan ng pagbababasa ng mga aklat. Ito ay narararapat na pagyamanin sapagkat ito ang ating “stepping-stone” sa pagkakalap ng impormasyon at narararapat lamang na patuloy na gawin. Ito marahil ang programang dapat na paghusayin sa bansa, ang kahusayan sa pagbababsa sa mga babasahing teksto.


Sa aming masusing pagtitimbang ng aming mga nasaksihan sa loob ng establisyimento, nabuhay sa aming mga puso ang matinding nasyonalismo para sa Pilipinas. Madalas binabalewala natin ang mga bagay tungkol sa Pilipinas sapagkat tayo ay mental na nasasakop ng mga dayuhan sa kanilang mga makabagong pamamaraan na pamumuhay. Narararapat nating alagaan kung ano ang kulturang mayroon ang Pilipinas sapagkat ito ang nagtataguyod sa kagandahan ng bansa sa buong mundo. Ito rin ang mga nais ipakintal sa atin ng ating mga ninuno at mga bayaning binuwis ang kainlang mga buhay para lamanbg sa nasyonalismo sa Pilipinas. Sa atin nakasalalay ang pagpapatuloy ng pagpagaspas ng pakpak ng Pilipinas sa buong mundo. Ang buhay na pagmamahal natin sa bansa ang magpapatuloy ng pagkabuhay ng ating nasyonalidad. Kinakailangang ipamalas natin sa mundo kung gaano kayaman ang Pilipinas sa kultura na hindi kainlanaman kayang ikumpara sa iba.


Ang paglalakbay para makita ang lawak ng kultura ng Pilipinas ay tila sa aming panaginip lamang at hindi naming lubos akalain na sa pamamagitan lamang ng mga silid-aklatan, tayo ay nakakalagpas sa ating hangganan at ang mga libro ang siyang gumagabay sa atin sa paglipad at paglalakbay sa walang hanggang imahinasyon. Ang pagdidiskubre sa ganda ng Pilipinas ay posible palang makita sa pamamagitan ng mga aklat.


Ang paglalakwatsang at pagbabatak na ito ay isang walang katapusang halusinasyon sa aming mga isip at puso, isang pagmamahal na walang rehabilitasyon, at ito ay tinatwag naming ‘PAGMAMAHAL SA PILIPINAS”.


Sama-sama nating ipagmalaki sa buong mundo ang ating nasyonalismo, na ikaw, ako, kami, at tayo, ay kapwa mga “PILIPINO”… =)


- Team MayBOOKasPa

No comments:

Post a Comment