Ang pananaliksik ang isa sa mga larangan na napabubuti ng modernisasyon sa mundo. Sa pamamagitan ng mga makabagong sistema ng pananaliksik, mas lumalawak ang kakayahan ng tao sa pagdidiskubre ng mga bagay-bagay sa kanyang paligid at mga penomena na hindi pa nadidiskubre sa mundo. Mas napapadali na ang mga eksplorasyon ng tao sa kanyang mundong ginagalwan at pati ang mga bagy na labas sa mundo
Subalit sa pagbabago ng henerasyon sa mundo, ang pananaliksik sa pamamagitan ng mga silid-aklatan ay tila napapalitan na ng mas makabagong sistema ng pananaliksik, ang internet. Sa pamamagitan ng internet, ang paghahanap ng mga impormasyon ay mas mabilis at ilang segundo lamang ang hihintayin at milyong-milyong impormasyon na ang maaaring makita. Ilang click lamang at ilang type ang gawin ay makakahahanap na nga sari-saring impormasyong may kinalaman sa ating sasaliksikin. Dahil ditto, ang mga silid-aklatan ay unti-unti ng nakakalimutan ng mga tao sapagkat sa mas madaling paraan ng pananaliksik sila umaasa at hindi na sa tradisyunal na pamamaraan ng pananaliksik.
Dahil sa tawag ng problemang ito, ang aming grupo (MayBOOKasPa) ay gumawa ng isang mabusising pananaliksik ng ilan sa mga natatanging silid-aklatan sa bansa, ang kadahilanan ay para maipakita hindi lamang sa bansa kundi maging sa buong mundo kung gaano kayaman ang kultura ng pagbabasa dito sa Pilipinas. Ang silis-aklatan na aming nakita na sa tingin naming ay nararapat na ipakilala sa mundo ay ang Filipinas Heritage Library dahil sa napakayamang kasaysayan nito.
Halika at kami ay samahan sa unti-unti naming pagbubuklat ng mga pahina ng kultura ng Pilipinas!
Ang Filipinas Heritage Library ay makikita sa tapat ng Manila
Ang pagpunta sa aklatang ito ay isang malaking hamon sa amin sapagkat wala ni isa sa amin ang nakakaalam kung papaano makpunta sa Ayala Avenue sa
Pagkarating naming duon ay malugod kaming tinanggap ng kanilang guwardiya at itinawag si Ms. Suzanne para sa aming panayam. Nang makaharap na namin si Ms. Suzanne, dali-dali niya kaming inikot sa loob ng silid-aklatan (kahit na siya ay may lakad ng araw na iyon).
Si Ms. Suzanne Yupangco ay nagtatrabaho sa Filipinas Heritage Library bilang Deputy Director & Filipiniana Manager. Siya ay nagtatrabaho sa establisyimentong ito sa mahigit na dalawang taon.
Una na niya kaming dinala sa ilalim na bahagi ng establiyimento sapgkat dito makikita ang mga mayayamang aklat nila.
Ayon kay Ms. Suzanne, maraming panahon ang dinaanan ng pagkakabuo ng silid-aklatang ito. Ang lupang pinagtatayuan daw nito ay malaking bahagi ng Hacienda San Pedro de Makati na pagmamay-ari ng mga Ayala na isang pamilyang Hispano-Filipino. Ang lupang ito ay pinatayuan ni Laurie Reuben Nielson, isang dayuhang negosyante, ng isang paliparan ng mga eroplano sapagkat sa panahong iyon ng pagsisibilasasyon ng Pilipinas, kinakailangan ng isang paliparang ng eroplano para sa komersyal na gamit. Noong Hulyo 1937, pormal na binuksan ang apatnapu’t dalawang hektaryang paliparan na tinawag na
(kung pwede lang sanang umakyat....)
Sa kasalukuyan, ang Filipinas Heritage ay bahagi at pagmamay-ari ng Ayala Land Corporation.
Ang inisyal na konsepto ng pagpapatayo ng establisyimentong ito ay upang gawin itong sentro ng Filipiniana – mga libro tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas, mga larawan na nagpapakita ng kultura ng Pilkipinas at mga kantang Pilipino ilang dekada mula ngayon. Layunin ng aklatang ito na ang establisyimentong ito ay maging sentro ng research ng kahit ano tungkol sa Pilipinas, dahil isa sa mga layunin ng Ayala Land Corporation ay ang ipakita at ipreserba ang kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng establisyimentong ito. Ang vision ng establisyimentong ito ay upang maging “one stop electronic research center” sa Pilipinas.
Ayon kay Ms. Suzanne, ang kanilang target na mga mambabasa ay mga mananaliksik tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas, mga historian, at maging mga estudyante, upang ipakilala sa kanila kung gaano kayaman ang Pilipinas sa kultura.
Ayon din sa kanya, ang aklatan ay kasalukuyang may hawak ng 15,000 na koleksyon ng mga libro. Ang Filipinas Heritage Library diumano ay may hawak ng mga “rare” Filipino books sa mga kalatan sa Kamaynilaan. Hindi lamang mga libro ang hawak nito kundi maging 35,000 na bilang ng mga larawang kanilang iprineserba. Sila rin ay may hawak na 5,000 na mga lumang kantang Pilipino at 2,000 na mga Vinyl records. Ang kanilang pinakalumang kanta na nakatago sa kanilang koleksyon ay ang pinakalumang kanta noong 1907, ang “Maya” ni Maria Carpena. (Sa kasamaang palad, hindi kami pinayagang kumuha ng larawan ng mga lumang records na ito dahil sa ang mga ito ay restricted dahil sa ipinrepreserba nila ang mga ito at maaari lamang mapakinggan ang mga ito sa pamamagitan ng mga na-digitalize nilang mga kanta).
(mayron ba nito sa pirated CD?? wala naman siguro..)
Ang orihinal na Pambansang Awit, ang "Lupang Hinirang" na na-digitalize
*Larawang kuha mula sa kanilang website, ang Unibersidad ng Santo Tomas
Yaman din lamang na nabanggit niya ang mga na-digitalized na kanta, ipinagmalaki niya sa amin na ang Filipinas Heritage Library ay naglalaman ng mga hindi pangkaraniwang mga lumang kanta na kanilang nilinis at isinalin sa mga compact discs.
Ang mga uri ng babasahin na makikita dito ay ang mga kasaysayan ng Pilipinas, mga tulang naisulat ng mga kilalang Pilipino
Ayon kay Ms. Suzanne, hindi sila nagtatally ng bilang ng mga mambababsa bawat araw sa kadahilang ang akalatang ito ay bukas para sa lahat at hindi para sa mga ekslusibong mga tao lamang. Ang karaniwang mga mambabasa nila dito ay mga mananaliksik, mga nagrereview para sa board examinations at ilang mga estudyante.
Ang mga babasahin na pinakatinatangkilik dito ay ang kasaysayan ng Pilipinas sapagkat ang aklatan ay humahawak ng mayamang koleksyon tungkol sa kasasayan ng Pilipinas. (Sa panahon ng aming pagdalaw, ang aklatan ay nagsasagawa ng kanilang pag-iimbentaryo kaya’t limitado lamang ang mga larawang aming maaaring kuhanan ng larawan.)
Hindi pa gaanong nasapubliko ang Filipinas Heritage Library at ayon kay Ms. Suzanne, ang pagpopromote sa internet ang kanilang estratehiya sa pagpapakilala ng natatanging aklatang ito sa buong bansa at pati na sa mundo. Upang mas mapalawak an gang mga tagapangkilik nito, nagkokonsentra ang kanilang akalatan sa pagdidigitalize ng mga makalumang records upang mas mapalawaka ang “yaman” ng kanilang aklatan at para makaakit ng mga mambababsa hinggil sa mga “vintage” na mga larawan at kantang Pilipino.
Ayon kay Ms. Suzanne, bagaman hindi kalakihan ang kanilang aklatan gaya ng sa ibang mga national library sa buong bansa, ang natatanging katangian ng establisyimentong ito na nagpapaiba sa iba ay ang mayaman na kasaysayan ng pagkakatayo nito, ang naipreserbang Niuelson tower na wala sa iba, ang pagkokonsentra sa Filipiniana, ang mga “rare” Filipiniana books na mayroon sila at wala sa iba, ang malaking koleksyon ng mga larawan na pang-Filipiniana at ang mga na-digitalized na mga lumang kanta na ayon kay Ms. Suzanne ay wala sa ibang aklatan.
Sa laki ng kanilang Filipiniana collection, ayon kay Ms. Suzanne, nagagampanin nila ang orihinal na layunin ng kanilang establisyimento sapagkat mahigit isang dekada ng tumatakbo ang establisyimento at patuloy na naghahatid ng mga ‘di pangkaraniwang koleksyon ng mga aklat tungkol sa Pilipinas at ang pagp[apalawak ng kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng kanilang mga napreserbang mga artifacts, larawan at mga kanta.
Matapos ang aming panayam, itinuro rin kami sa bookstore ng establisyimento at ito ang aming mga nakuhang mga larawan:
Marahil ang paglalakbay na ito ay isa sa mga hindi namin malilimutang karanasan sapagkat ang aming nasyonalismo ay nabigyan muli ng liwanag.
Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang: www.filipinaslibrary.org.ph.
Hanggang sa muli, paalam!
^_^
No comments:
Post a Comment